In
“Thousands of protesters surrounded the Thai government's temporary headquarters at
The demonstrators, seeking the resignation of a government they allege is corrupt, camped outside the former VIP terminal at Don Muang airport that now serves as the office for Prime Minister Somchai Wongsawat…”
In the
Recital of Facts
NBN-ZTE contract and Northrail Project
By Rep. Teddy CasiƱo (Bayan Muna)
Delivered before the House Committee on Justice on its deliberations of the impeachment complaint vs. Pres. Gloria Macapagal-Arroyo
(please check with actual delivery)
November 24, 2008
Mr. Chairman, my distinguished colleagues.
Former speaker Jose de Vencia has given a substantial account of the facts of the President’s knowledge and involvement in the anomalous NBN-ZTE contract. May I just be allowed to add a few more facts.
A few months after the infamous golf game between the former speaker, the President, COMELEC Chair Benjamin Abalos and ZTE officials, the President, through NEDA which she herself chairs, and the DOTC which is under the Executive, approved the ZTE’s proposal for a government to government contract. From a BOT project before the golf game, it became a government to government contract. Wala hong public bidding, lumobo na ang presyo ng ilang beses sa original proposal, at may mga lantarang paglabag sa ating procurement laws.
I would like to cite a ruling by the Supreme Court in Villena vs. Secretary of Interior and I quote:
“…the multifarious executive the multifarious executive and administrative functions of the Chief Executive are performed by and through the executive departments, and the acts of the secretaries of such departments performed and promulgated in the regular course of business, are, unless disapproved or reprobated by the Chief Executive presumptively the acts of the President.”
Pero hindi lang ho ang pagpirma ni Pangulong Arroyo sa pamamagitan ng kanyang mga opisyal at bilang chair ng NEDA at NEDA-ICC ang nirereklamo ng mga complainants. Higit pa dito, nirereklamo din ng mga complainants na tumanggap ng suhol ang Pangulo. Ang suhol o bribe ay nagre-range sa golf game, na malamang binayaran ng ZTE, hanggang sa mamahaling lunch. Ito rin ang laman ng affidavit at testimony ni Jose de Venecia Jr. sa Senado kung saan sinabi niyang narinig niya si Chairman Abalos na humihingi ng pera sa mga ZTE officials na “the President and the Speaker are waiting for it.”
The most glaring evidence of wrongdoing was the testimony of former NEDA Chief Romulo Neri who admitted being offered a P200 million bribe by COMELEC Chair Abalos, the President’s golfing buddy. After being informed of this, wala hong nangyari. The President did not stop the project. In fact, in April 21, 2007, si GMA mismo ang pumunta sa
Yung mga nagsusulat ng press release sa Malacanang mismo ang nagsabing parang isang magnanakaw sa dilim na pumunta si GMA sa China, which shows us that Malacanang still has hope because some people there can still say the truth.
The President later admitted to the media that she knew of the irregularity but could do nothing for lack of time. Oh come on. What a lame excuse. Worse, she even used executive privilege to prevent the Senate from asking Sec. Neri further about it and even risked a constitutional crisis just to cover up the anomalies.
Thus, the complainants believe that the President committed betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, graft and corruption and bribery in relation to the NBN-ZTE contract.
Now Mr. Chair, allow me to proceed to the precursor of the NBN-ZTE contract which is the Northrail project. We have heard it said that the Chinese businessmen in the NBN-ZTE deal insisted they wanted a “Northrail-type contract.” This shows that Northrail was a template for future projects, namely the NBN-ZTE deal and Cyber Education Project which was discontinued after much public opposition.
Kapag kinumpara po natin ang NBN-ZTE at Northrail, mapapansin ang ilang matingkad na pagkakapareho:
1. Ang lalaki ng kontrata, bilyun-bilyon ang halaga ng proyekto: $329.5M (P15.8B) para sa NBN-ZTE, $503M (P24.1B) para sa Northrail.
2. Sa parehong proyekto, isa ang panggagalingan ng pondo na uutangin ng gobyerno at babayaran natin: ang China Export Import Bank.
3. Sa parehong proyekto,
4. Sa kabila ng napakaliking perang involved, parehong walang public bidding ang proyekto dahil daw ito’y executive agreement sa pagitan ng gobyerno ng
5. Sa pareho ring proyekto, hindi kinuha ng Malacanang ang approval ng Monetary Board bago ito umutang.
6. Sa parehong proyekto, walang Certificate of the Availability of Funds na required para sa counterpart funds ng gobyerno.
7. At pinakamahalaga, sa parehong maanomalyang proyekto, bakas na bakas ang kamay ng Pangulong Arroyo.
Ang sabi ho nila, delikadong masagasaan ng tren. Matapos ko pong pag-aralan ang mga dokumento ng Northrail, naisip ko hong mas delikado palang masagasaan ng isang drawing na tren katulad ng Northrail, na ngayon ay buo-buong komunidad ang sinasagasaan at bilyon-bilyon ang nalulustay.
Ladies ang gentlemen, allow me to present to you the facts about the President’s impeacheable acts relating to the Northrail Project.
The complainants allege that the respondent, President Gloria Macapagal-Arroyo, committed culpable violation of the Constitution and graft and corruption by entering into contracts that violated the Constitution, were violative of several laws and grossly disadvantageous to the government.
Nilabag ni Pangulong Arroyo ang Konstitusyon at gumawa ng graft and corruption sa pagpasok sa mga kontratang lumabag sa Konstitusyon, labag sa iba pang mga batas, at dehado sa gobyerno.
Bakit po natin ito sinasabi? What are the facts?
Ang Northrail ay nakapaloob sa mga priority projects ng Pangulo mula pa noong 2001. Noong September 14, 2002, isang Memorandum of Understanding ang pinirmahan ng North Luzon Railways Corp. (NLRC), na pinangangasiwaan ng Office of the President, at ng China National Machinery and Equipment Corp. (CENMEC), para sa updating ng feasibility study at upang ilakip ang ilang instruksyon ng Pangulo kaugnay ng proyekto.
Matapos ang isang taon, Disyembre 2003, inaprubahan ng Board ng National Economic Development Authority at NEDA-Investments Coordinating Committee (NEDA-ICC), na kapwa pinamumunuan ni Pres. Arroyo bilang chairperson, ang proyekto batay sa proposal ng CENMEC para sa Northrail Phase 1 Section 1 (Caloocan to Malolos). Wala pang isang buwan, Disyembre 30, na-execute na ang supply contract sa CENMEC na nagging epektibo noong July 23, 2004.
Bago nito, noong Pebreo 26, 2004, pinirmahan naman nina Finance Sec. Juanita Amatong at ni Eximbank of China Chair and President Yang Zijin ang kasunduan para sa isang $400 milyong loan para pondohan ang proyekto. Ang Buyer Credit Loan Agreement No. 04555 ay pinirmahan sa mismong Premier Guest House ng Malacanang. Sa seremonyas na iyon, ipinagyabang ni Executive Secretary Alberto Romulo na ang Northrail project ay “a very important landmark in the ‘many-splendored’ performance of President Gloria Macapagal-Arroyo.”
Sabi pa ni Romulo, “It has been the desire of President Macapagal-Arroyo to fast track the railway program.”
Ang kasundunang ito kaugnay ng $400 million utang ay muling ipinagtibay noong state visit ni Pangulong Arroyo sa China noong Setyembre 2004. Siya mismo at ang kanyang secretary of Trade and Industry Cesar Purisima ang nag-witness sa mga pinirmahang dokumento.
Samakatuwid, dalawang kontrata o kasunduan ang ating pinopokusan dito, mga kontratang pinirmahan ng mga alter-ego ng Pangulo bilang pagtupad sa kaniyang mga utos at patakaran: 1) Ang supply contract sa pagitan ng NLRC at CENMEC kaugnay ng 32.2 kilometrong Northrail Phase 1, Section 1 mula Caloocan hanggang Malolos; at 2) Ang kasunduan kaugnay ng $400 milyong utang ng gobyerno sa Eximbank of China para pondohan ang nasabing proyekto ng NLRC at CENMEC. Ang pagpasok sa mga kontratang ito ng kaniyang mga alter-ego ay hindi itinatwa ng Pangulo hanggang sa kasalukuyan.
Ngayon, ano ang problema ng mga kontrata at kasunduang ito?
1. Walang prior concurrence ng Monetary Board ang $400 million loan agreement na pinirmahan ng Executive at ng Eximbank of China, labag sa Sec. 20, Article VII ng Konstitusyon.
Ayon sa Section 20, Article VII ng Constitution: The President may contract or guarantee foreign loans on behalf of the Republic of the Philippines with the prior concurrence of the Monetary Board, and subject to such limitations as may be provided by law.”
Sa kasong ito, si Pangulong Arroyo ay hindi kumuha ng pagsang-ayon ng Monetary Board bago pirmahan, sa pamamagitan ng kanyang Sec. of Finance, ang loan agreement BCLA No. 04555.
2. Hindi dumaan sa competitive bidding ang proyekto alinsunod sa RA 9184 o ang Government Procurement Reform Act.
Sa kabila ng napakalaking halaga ng proyekto, P24.1 bilyon, hindi idinaan sa competitive bidding ang kontrata. Ang dahilan ng hindi pagsunod sa probisyong ito ng batas ay dahil daw ang proyekto ay isang kasunduan sa pagitan ng dalawang gobyerno. Subalit may ruling na ang Makati Regional Trial Court noong May 15, 2007, na ipinagtibay ng Court of Appeals nito lamang September 30, 2008, na ang kontrata ay hindi isang executive agreement o tratado, at kung gayon ay subject sa ating mga batas.
Sa mismong $400 million loan agreement sa Eximbank of China, nakasaad doon na ang proyekto ay ibibigay sa Chinese firm na CENMEC bilang prime contractor, kayat ayos na ang butu-buto, wala na talagang bidding na isinagawa.
Ito mismo ang kinumprima ng Commission on Audit sa kanilang 2007 report na inilabas noong Pebrero 2008.
3. Ang kontrata ay hindi alinsunod sa Government Auditing Code and the Administrative Code of 1987 na nagre-require ng certification na may necessary and available appropriation ang mga kontratang pinapasok ng gobyerno.
Ang bagay na ito ay una nang isiniwalat ng UP Law Center sa kanilang pag-aaral ng kontrata noong 2005 at kinumpirma sa latest COA Audit Report 2007. Ayon sa COA, ang P86.9 million government counterpart sa Phase 1, Sec. 1 ng Northrail project ay walang Certificate of Availability of Funds (CAF) na labag sa Sec. 86 ng Presidential Decree 1445 na nagsasaad na: “No contract involving the expenditure of public funds by any government agency shall be entered into or authorized unless the proper accounting officials of the agency concerned shall have certified to the officer entering into the obligation that funds have been duly appropriated for the purpose,”
4. Ang dalawang kontrata ay naglalaman ng mga probisyon na “manifestly and grossly disadvantageous to the government” labag sa Sec. 3(g) ng Republic Act 3019 o ang Anti Graft and Corrupt Practices Act:
Batay sa magkakahiwalay na mga pag-aaral at imbestigasyon ng UP Law Center, Commission on Audit, at Senate bilang Committee of the Whole:
To conclude, Mr. Chair, when the President assumed office in 2001 and again in 2004, she made an oath to preserve and defend the Constitution, execute its laws, do justice to every man. Yan po ang Art. VII, Sec. 5 ng Konstitusyon. Ito pong sinumpaang tungkulin ang siyang nilabag ng Presidente sa kasong ito.
The complainants believe that President Gloria Macapagal-Arroyo, committed culpable violation of the Constitution and graft and corruption by entering into contracts that violated the Constitution, were violative of several laws and grossly disadvantageous to the government.
Earlier, former Speaker de Venecia appealed to the conscience of our colleagues. May I also appeal to their sense of dignity and honor as members of the House and leaders of our nation to hold the highest official of the land accountable for her wrongdoings.
Thank you, Mr. Chair.###
---------------------------------------------------
Pagsusog sa Reklamo Hinggil sa Pagpapatalsik sa Katungkulan ng Gng. Gloria Macapagal-Arroyo
Pananalita ni Rep. Luzviminda C. Ilagan
Kinatawan Mula sa Gabriela Women’s Party
Pagpupulong ng Komite sa Katarungan sa Kongreso ng Bayan Hinggil sa Usapin
Ika-24 ng Nobyembre, 2008
Mr. Chairman, sa Mindanao, kung saan ang kinatawang ito nagmula, daandaang kaso ng paglabag sa karapatang pantao at Konstitusyon ng Pilipinas ang kinasasangkutan ni Gng. Gloria Macapagal Arroyo.
I. Human Rights Violations
Sa loob ng panunungkulan ni Gng Arroyo, mayroong dalawang daan at tatlumpu’t walo (238) na kaso ng extrajudicial killings, apatnapu’t pitong (47) kaso ng enforced disappearances, at tatlumpung (30) kaso ng political imprisonment sa Mindanao. Hanggang ngayon patuloy ang pagpaslang sa mga sibilyan. Ang pinakahuli ay pinatay sa Compostela Valley at Tagum City noong nakaraang linggo lamang. Ang mga ito ay inosenteng sibilyan: mga magsasaka, taong simbahan, taga media, abogado, duktor, aktibista, at miyembro ng mga lehitimong, progresibong organisasyon. At halos lahat ay mga kritiko ng administrasyong Arroyo.
Si Angie Ipong, 56 years old, dating guro at lay missionary, siya’y pwersahang hinuli ng mga taong nagpakilalang miyembro ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group, nang walang warrant, noong Marso 2005. Siya ay tinorture, dumanas ng pang-aabusong mental at sekswal, at pinaaming lider ng mga rebelde. Hawak pa rin siya hanggang ngayon ng militar.
Si Celso Pojas, tagapagsalita ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ay binaril sa harap ng kanilang tanggapan noong May 15, 2008. Aktibo siya sa kampanya hinggil sa pagpapatigil sa opensiba ng militar sa Davao Oriental.
Ang Regional Coordinator din ng Anakpawis Partylist na si Renato Pacaide ay pinatay noong ika-2 ng Marso, 2007. Si Datu Dominador Diarog na isang lumad lider ng Guianga, Tugbok, Davao City ay pinaslang noong ika-29 ng Abril 2008.
At sino ang makakalimot kay Grecil Buya, isang Grade II pupil, siyam na taong gulang, pinaslang at unang binansagan na child soldier. Nang sinabi ng kanyang mga guro na isa siyang honor student at inosenteng bata, agad umamin ang mga sundalo na sila ay nagkamali. Subalit, hanggang ngayon, hindi pa rin nareresolba ang kaso ng kawawang si Grecil. Hindi pa rin napaparusahan ang mga nagkasala.
Wala, ni isa sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao ang nabigyan ng hustisya. Takot ang umiiral lalo na sa mga lugar na pinagpupugaran ng militar.
Ang pagdating ng United Nations Special Rapporteur Phillip Alston sa Davao noong 2006, para pakinggan ang mga hinaing ng mga biktima ay nagbigay ng kaunting pag-asa na makamit ang katarungan. Kahit takot na takot ay nagprisinta ang mga kaanak ng mga biktima ng kanilang mga testimonya sa kabila ng kanilang pangamba na balikan sila pagkatapos ng kanilang pagtestigo, ay nagkatotoo. Si Sichi Bustamante-Gandinao , isa sa tumestigo sa imbistigasyon ni Prof. Alston, ay pinatay matapos tumestigo.
Mula 2001 hanggang ngayon, sa loob ng pitong taon, ano ang ginawa ni Gng Arroyo upang papanagutin ang mga may sala? Pagkatapos ng 238 na pinatay, sa Mindanao lamang yan, 47 na nawala at 30 na illegal na pagkulong, may utos ba na imbestigahan man lang ang mga ito?
Pagkatapos mabuo ang Melo Commission dahil sa pressure mula sa ibat ibang human rights groups sa loob at labas ng Pilipinas, bakit sapilitan pa ang paglabas ng rekomendasyon nito? Nang lumabas ang resulta ng binuo mismo ng Komisyon ng Malacanang, napatunayang si Gen. Jovito Palparan ang responsable sa mga pagdukot at pagpaslang sa mga indibidwal na tinitingnang mga kritiko at kaaway ng administrasyong Arroyo. Subalit, sa halip na papanagutin, batay sa rekomendasyon, pinuri at pinasalamatan pa sa kanyang State of the Nation Address noong 2006. Hindi maipagkakaila na alam at kinunsinti ni Gng Arroyo ang mga paglabag sa karapatang pantaong ito.
Ginamit ni Gng Arroyo ang counter insurgency program upang tugisin, dukutin at patayin ang mga karaniwang mamamayan. Ginamit ang pondong ito para sa pagsasakatuparan ng Oplan Bantay Laya, na nagpapatunay ng kanyang malaking suporta at pagbibigay ng lisensya para sa pagsasakatuparan nito. Lantaran ang pagayuda sa mga opensibang militar sa pamamagitan ng paghuli ng walang warrant, pagtorture at iligal na pagpapakulong.
Sa ilalim ng Principle of Command Responsibility, si Gng Arroyo, bilang Commander in Chief of the Armed Forces of the Philippines , ay may pananagutan sa mga paglabag sa karapatang pantao. Hindi ba’t si Gng. Arroyo ang mastermind sa mga krimeng ito?
II. Civil Liberties [CPR]
Nang lumakas ang boses ng mga kritiko, nang tumindi ang panawagan na siya ay magbitiw na, kanya namang ipinatupad ang Calibrated Preemptive Response o CPR, upang supilin ang malayang pamamahayag ng mamayan. Maraming mga legitimong pagtitipon ang winasak ng mga kapulisan ayon sa utos ni Pres. Arroyo sa ilalim ng kanyang CPR. Marami rin sa ating mamamayan ang nasaktan o nasugatan at iligal na inaresto sa pagpatupad ng CPR. Nilalaman ng ating Saligang Batas na sino man ay may karapatan at malayang makapagtipon at magpahayag ng kanilang saloobin. Dineklara ng Supreme Court na unconstitutional ang Calibrated Preemptive Response kung kaya’t nilabag ni Gng. Arroyo ang ating Saligang Batas. Dagdag pa, dahil sa unconstitutional ang CPR, nilabag na rin ni Pres. Arroyo ang mga karapatan ng biktima ng CPR at dahil sa paglabag na ito, hindi lang may sustansya o substance ang paratang sa kanya, dapat pa siyang ma impeach.
III. Proclamation 1017
Hindi pa nasiyahan si Gng. Arroyo, isinailalim ang buong bansa sa isang State of National Emergency nang ipataw ang Presidential Proclamation 1017. Nagbigay ito sa kanya ng kapangyarihan na gamitin ang Sandatahang Hukbo ng Pilipinas upang pigilan ang mga mass actions o pagkilos na tumutuligsa sa kanyang pamahalaan. Ito ang ginawang dahilan upang ipakulong ang ilan niyang mga kritiko (ilang halimbawa sina Ka Crispin Beltran, Randy David, at iba pa) at takutin, i-harass o bantaan ng pagpapakulong at ihabla ng kasong rebelyon ang mga lider ng people’s organizations sa ibat ibang parte ng bansa, kabilang na ang mga mambabatas ng progresibong partylist. Ito'y mga klarong paglabag ng karapatang pantao ng mga biktima, at paggamit ng poder at mga rekurso ng gobyerno, sa pamamagitan ng pag-issue ng emergency proclamation, hindi sa kadahilanang lehitimo kundi para sa pansariling interes ni Gng. Arroyo—para mapatahimik ang mga nag-poprotesta o mga kritiko niya. Ibinasura din kalaunan ng korte ang mga gawa gawang kasong ito ng walang makitang batayan sa mga bintang. At diniklara ng Korte Suprema na walang dagdag na poder ang pangulo sa ilalim ng kanyang emergency proclamation para labagin ang karapatang pantao ng mamamayan. Ang mga ginawang ito ng Presidente Arroyo, lalo na ng pag abuso sa poder para labagin ang karapatang pantago, ay isang impeachable offense, at nag bibigay sustansya sa complaint na ito.
IV. EO 464
Nang magkaroon ng mga imbestigasyon at singilin ang taong bayan ang kanyang pananagutan, ginamit ang Executive Order 464, upang pigilan ang mga pinatawag na matataas na opisyal sa pagsiwalat ng katotohanan sa publiko. Ito ay pag-abuso sa poder para sa personal na interes ni Pres. Arroyo para makitil ang katotohan sa kanyang mga krimeng graft and corruption, na pinalala ng pagdeklara ng Korte Suprema ng unconstitutionality ng mga batayan, kung kaya, hindi lang may substance ang mga paratang sa kanya, siya ay dapat ma impeach para mabigyan ng oportunidad ang publiko na siya ay papanagutin sa mga paglabag na ito.
V. Ipinagkanulo niya ang tiwala na iginawad sa kanya ng sambayanan bilang isang Pangulo.
Ang pagkakanulo ay kanyang naisagawa nang kanyang ibenta ang likas na yamang ginto ng ating bansa sa Zhongxing Technology Equipment International Investment Ltd., na mas lalong kilala sa pangalang ZTE. Sa pamamagitan ng isang kasunduan noong July 12, 2006 naglalagay sa pagkalugi ng ating bayan na pinangunahan ni Secretary Peter Favila, ng Department of Trade and Industry. Inayunan ni Gng Arroyo ang kasunduan para sa eksplorasyon, pagpoproseso hanggang sa paggamit ng mga minahan sa Bundok Diwalwal, Compostela Valley.
Ang maliliit na minero at ilang mga kumpanya ng pagmimina sa Bundok Diwalwal ay nauna nang pinatigil ng Pamahalaang Arroyo sa kanilang pagmimina habang nililitis ang ilang mga usapain hinggil kung sinu-sinu ang nararapat na magkaroon ng karapatang magmina sa Bundok Diwalwal.
Ang lahat ng Kalihim ng ating Pangulo, ay tinatawag na kanyang alter ego, kung kaya’t ang lahat ng mga desisyon at galaw ng Kalihim na nakasaad sa kanyang tungkulin bilang Kalihim ay tinatanggap sa ilalim ng ating mga batas, bilang mga desisyon at pagkilos, mismo ng ating Pangulo.
Ang Mt. Diwalwal ay tinaguriang pinakamayaman sa ginto sa buong bansa at maaring sapul sa buong mundo. Ito ay binubuo ng 8,100 ektaryang nasasakupan at bahagi ng isang forest reserve na kinabibilangan ng ancestral domain. Ang taglay nitong ginto ay tinataya sa dalawang milyon metriko tonelada na nagkakahalaga ng higit kumulang sa isang bilyong dolyar.
Ayon sa kasunduan, 90% na bahagi ng pagmimina ay ipinagkakaloob sa ZTE habang ang sampung porsyento (10%) lamang ang parte ng ating gobyerno. Ang paglagda ng kasunduan ay isinakatuparan sa harap ni Michael T. Defensor, na noon ay Chief of Staff ng Tanggapan ng Pangulo at dating Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources.
Ang mga kinatawan ng ZTE International Investment Ltd. na lumagda sa kasunduan ay sila din ang kumatawan sa kasalukuyang kontrobersyal na maanomalyang kontrata na nagkakahalaga ng $329 million. Ang kumpanyang ito ay walang masasabing karanasan sa pagmimina, kung kaya’t ito ay hindi karapat-dapat na pagkatiwalaan ng ating gobyerno lalo na sa linya ng pagmimina.
Napagalaman lamang sa panahong dinidinig sa senado and ZTE- NBN noong Marso 2008, ayon kay Sec Peter Favila na mayroong limang (5) proyekto ang ZTE dito sa bansa. Dalawa (2) dito ay and kasunduan sa pagmimina sa North Davao at itong Diwalwal, Compostela Valley . Sa kanyang pagpirma sa kasunduan noong 2006 sa Guandong, China ay may kapalit na $4 bilyon na utang mula sa ZTE. Ginanap ang pirmahan sa harap ng pangulo ng ZTE na si Yu Yong, Michael Defensor dating Chief of Staff ni Gng. Arroyo at ZTE Chairman Hou Weigui.
Apat na kumpanya ang orihinal na kinokonsidera upang humawak ng proyektong ito. Subalit ngayon, ang kumpanyang Geograce Resources Phils. Inc. kung saan ang Pangulo ay si Jerry Angping, ang Chair ay si Renato Puno at direktor naman si Mike Defensor, ang siya nang mangangasiwa sa kasalukuyan sa kontrata.
Ang kasunduang ito, sa pagiging di nito makatwiran sa ating mamamayan, ay nilagdaan nang di dumaan sa requirement ng pag aanunsiyo at malayang negosasyon. Sa kabila ng matagalang pagmimina ditto, gaya din ng nararanasan sa ibang rehiyon, tumitindi na ang pagkasira ng ekosistema, ang pagkompromiso sa buhay, kalusugan, kultura at kabuhayan ng mamamayan.
Ginoong Chairman, mga kapwa ko mambabatas, ang administrasyong Arroyo ay kapansin pansin ang lantarang pagbebenta sa ating bayan. Nagkukubli sa likod ng kanyang mga tauhan para lamang maipagpatuloy ang kanyang katiwalian.
Ang pagtataksil sa sambayanan ay isang krimen na kailanman’y hindi naparurusahan ng ating batas. Ito ay isang mabigat na batayan na di karapat dapat na manatiling pangulo ng bansa si Gng Arroyo. Hindi ito maaring palagpasin sapagkat ito ay pagtalikod sa kapakanan ng sambayanan, sa pamamagitan ng pagpapabaya, pagsasawalang bahala, pagbibigay ng labis na pabor sa mga malalapit sa Pangulo, at iba pang mga gawain na nagdudulot ng di magandang reputasyon sa katungkulan ng Pangulo. Kasama na ang paghahadlang sa katarungan.
Kaya ang pagtataksil sa sariling bayan ay nangangahulugan ng pagpapatalsik sa ating Pangulo sa kanyang katungkulan. #



